Ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute namatay na

mm

Sumakabilang-buhay na ang ama ng magkapatid na Maute na si Cayamora Maute.

Sinasabing isinugod sa Taguig-Pateros Hospital si Cayamora pasado alas-3:00 ng hapon.

Gayunman, gabi na nitong Linggo nang ito ay i-anunsiyo ng BJMP na patay na ang nasabing ama ng Maute Brothers.

Matapos ito ay agad na dinala ng kanyang pamilya ang labi ni Maute sa isang lugar sa Quiapo.

Wala pang malinaw na sinasabi kung anong naging sanhi ng pagkamatay ni Maute pero una nang napag-alaman na mayroon itong diabetes, hepatitis at hypertension.

Kinumpirma rin ni BJMP Dir. Serafin Barreto ang pagpanaw ni Maute na aniya’y tumaas ang blood pressure kaya’t isinugod ito sa pagamutan kung saan siya binawian ng buhay.

Ayon naman kay Police Sr. Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP, nahirapan ding huminga si Maute at nawalan ng pulso dahilan upang dalhin ito sa ospital.

source: dwiz882am

Comments

comments